Watsons | Diabetes 101 Episode 1
Articles Blog

Watsons | Diabetes 101 Episode 1

October 28, 2019


Hi Everyone and welcome to Sweet Talk with Watsons. My name is Samantha Purvor, and with us we have Dr. Sheryl Tugna Hi Sam, hello everyone. And today we’ll be discussing
a little bit about diabetes. So doc, ano nga ba ang diabetes? Ang diabetes ay isang chronic condition or pangmatagalang sakit kung saan tumataas ang level ng blood sugar ng isang tao. And who exactly are the people that get diabetes? Ang nagkakaroon ng diabetes ay may mga problema sa pag-produce ng insulin. Ang insulin ay isang hormone na pino-produce ng ating lapay o pancreas. Ang problema nito ay maaaring kulang
ang pino-produce nilang insulin or kaya naman may problema
sa kung paano ginagamit ng organ natin ang insulin. So doc, paano ba malalaman ng isang tao kung mataas ang blood sugar nila? Actually Sam, kadalasan ng mga taong may diabetes ay hindi nila alam na meron silang diabetes sapagka’t wala silang nararamdaman. Ngunit ang mga sintomas ng pagkakaroon
ng mataas na blood sugar ay yung pagka-uhaw, madalas silang umiihi, sila din ay gutumin, ngunit mabilis ang kanilang pagpayat. Sila rin ay nakakaranas ng pamumulikat o kaya pamamanhid sa kanilang binti at nagkakaroon din sila ng sugat na di gumagaling. So doc, sabi nyo nga kanina, there are some people na mataas ang blood sugar pero wala namang mga symptoms ng diabetes. So, sino ba dapat ang magpa-check? We encourage patients who are
obese and overweight to have their blood sugar checked. Nararapat din na magpa-check
ng kanilang blood sugar ang mga taong may hypertension, may history ng heart disease, yung mga taong matataas ang level
ng kanilang cholesterol, yung mga tao or mga kababaihan
na nagkaroon ng malalaking anak or yung more than eight pounds, yung mga may history ng gestational diabetes, at yung mga kababaihang may
polycystic ovarian syndrome. Yung mga tao din na lagi silang nakaupo
at less ang kanilang activity, at yung may family history ng diabetes kung ang nanay mo, tatay mo, or iyong mga kapatid ay meron mataas na blood sugar, nararapat na magpa-check ka
ng iyong blood sugar. Wow! That’s truly impressive, doc! And now that we know the basics on diabetes, on our next episode we will learn
about the types of diabetes right here on Sweet Talk with Watsons. My name is Samantha Purvor with Dr. Tugna right here. We’ll see you next time.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *